Saturday, September 5, 2009

This Must be My New Year

Another year for me, kasi birthday ko na. September 5, 1992 ako pinanganak that would be 17 years ago. Wow, parang kahapon lang September 4, my last day of being 16 years-old. Then September 5 na, kumbaga another year, another problems, and another lovelife na ba?

Parang napaka-awkward pakinggan na another lovelife ulet porket birthday ko na? Paano na lang ang pangako namin sa isa't-isa? Syempre hindi parin magbabago ang aming mga pinangako. sana walang makapagpabago ng mga sinabi namin. Pero lalong tumitibay ang mga pangako namin. Parang semento na sa umpisa mamasa, over the time, tumitigas at tumitibay kahit nabibiyak ng mga earthquakes at humidity.

What am I expecting to my new year? Madami. Mula sa sarili ko, sa paligid ko, at lalong lalo na ang mga mukhang dragong anghel ang mga magulang ko. HAHAHA! nademonyohan ako ulet! Walanjo talaga ang ugali ko - ang tigas talaga ng ulo, ubod ng pagkapasaway!

Anyway and anyhow, from myself, gusto ko maranasan ang pagiging workaholic para magka-money ako while studying. Looks mahirap diba, pero ok lang, nasanay na ako nung nasa highschool pa ako. Gusto ko na maging Semi-Mature na ulet. Bakit ko nasabi? kasi when i am depressed, nagiging bossy ako at hindi palangiti o palatawa, lagi akong nasa badd mood, nadadamay ang mga parents ko sa mga galit ko (ok nga yun para malaman nila kung sino ba ako), and gusto ko kahit alam na ng parents ko na ganito ako, sana hindi pa rin ako magbago.

Sa paligid ko? Actually, inggetero akong type na tao. Like what I said about the Bimale relationships here in the country, lalong dumarami at lalo akong naiinggit. lalo akong nasasaktan, lalong sumasakit ang mga nararamdaman ko. Pero iniisip ko na lang na sana dumating nga siya sa buhay ko. Ok lang na kahit pagkalingon ko andyan na sya kaagad. Pero imposible yun. Anu pa ba? Yung kung ano ang mga pinaniniwalaan ko ay tama. Syempre, I believe in the phrase of WHAT YOU SEE, IS WHAT YOU BELIEVE. Parang ang babaw naman ng pinagbabasihan ko. Pero look behind on that Motto. Kumbaga, Kung ano ang nakikita ng dalawa nating mga mata, for us na it is true. Tinagalog?

Sa boyfriend ko? ang wish ko? Sana matanggap na siya ng parents ko ng buong buo. Na wala kaming ginagawang mali. We are doing what is right to us. Tinutulungan niya nga ako. He comforts my sorrow, if i need him, handa siyang ibigay ang kung anu man ang kaya niyang ibigay. Natutuwa nga ako na nagkaroon ako ng boyfriend na napakabait, romantic, caring, iniisip ang kapakanan ng partner niya, looking forwardto our relationship. Pero ang hindi ko lang nagustuhan sa kanya is hindi niya kayang harapin ang parents ko - even to tell them na kami na ng boyfriend ko, na hindi niya ako sasaktan, na ibibigay ng parents ko ang tiwala sa kanya na iingatan niya ako. Actually, gusto kong sabihin sa lahat ang nagustuhan ko sa kanya at ang mga hindi. Hindi naman siya artista para ibunyag ko ang mga ginagawa niya at hindi ako si Lolit Solis. Basta ang gusto ko, matanggap ang boyfriend ko ng buong buo... or else XXIX sa braso!

Kina Dragon at Leon, ang masasabi ko lang, salamat kahit pasaway ako! hahaha ang drama ko! Tanggapin nyo na kasi ang boyfriend ko. He has a good intention on our relationship, especially sakin. Give the trust sa kanya na hindi niya ako sasaktan or lolokohin. Para sainyo kasi mukhang nagsisinungaling siya at hindi kapanipaniwala. Basta, darating ang araw na matatanggap nyo siya..

Yung sa ginagawa kong online novel na hindi ko pa naipopost, chapter one will be around this week ko na iyon ipopost. Baka abutin yon sa Chapter XXIX.. which is the number of our monthsary... konting teaser ulet sa novel ko, "Mawawala lang ang intimacy sa'tin, pero tayo pa rin. Ituturing kita na as my special brother, my bestfriend, and most of all my confidant. Walang magbabago pa rin. Matagal na ito sinasabi sakin ito ni God, even before na makilala kita. Sana maintindihan mo ako. Tayo pa rin kahit wala nang intimacy sa'tin."

0 comments:

Post a Comment