I
Bago ko siya nakilala,
sobrang lungkot ko.
Dahil ako'y nangungulila
sa pag-ibig na inaasam-asam ko.
II
Para akong kalapating ikinulong
sa isang madilim na hawla -
umiiyak, sumisigaw, humihingi ng tulong.
Ngunit ni isa, walang napalinga.
III
Isang araw ng malungkot kong buhay,
may lumapit sa akin at pina-abot ang kanyang kamay
napatingala ako sa kanya
na ang mensahe ng mukha ko ay tila wala nang pag-asa.
IV
Sinabi niyang, ibibigay niya ang lahat ng ninanais ko,
mamahalin niya ako ng walang hanggan,
dadalhin niya ako sa mga lugae na gusto ko,
at nangako siyang hindi niya ako iiwan.
V
tila nasilaw ako
sa mga salita niyang mabulaklak.
Tinanggap ko ang alok niya
ng sa gayon ako'y lumigaya.
VI
Tumagal ng ilang buwan
at dumating si Huly,
ang buwan na kasunod ni Hunyo.
Napansin kong may problema tila sa amin.
VII
Napagawi kami sa Glorietta
upang doon pag-usapan,
ang problemang gumigitla
sa mga isipan naming naguguluhan.
VIII
Napansin kong tahimik siya
sa isang sulok doo'y nagdradrama.
Inakay ko siya at sambit niya,
"Hanggang kapatid na lang ang turingan nating dalawa."
IX
Nagulat ako sa sinabi niya
napatahimik sa narinig ko.
Halos hindi ko mawari ang sinabi niya
dahil sa mahal na mahal ko ang kagaya niya.
X
Nagpakalayo ako
para sa ikakabuti naming dal'wa.
'Di ko siya pinansin. 'Di ko siya kinigbo.
dahil ako'y nasaktang tunay sa kanyang sinalita.
XI
Ninais kong pumunta ng dalampasigan
sa pag lubog ng araw,
siya ring paglubog ng nararamdaman
ngunit hindi ko magawa dahil mahal pa rin kita.
XII
Idinalangin ko sa poon,
na ako'y makatagpo
ng taong magmamahal sa akin
tila atang wala akong narinig na sagot mula sa poon.
XIII
Dumating ang mga sumunod na buwan,
dumating din ang ilang nilalang na minahal ako.
Ngunit bakit ganito,
mahal ko pa rin siyang talaga.
XIV
Sinubukan ko siyang kausapin
sa isang madibdibang usapan.
Inamin ko ako'y nasaktan
sa mga salita niya mula sa kahapon.
XV
Hindi niya iyon sinasadya
at hindi niya rin kinaya
lumuha siya ng parang bata
humihingi ng kapatawaran sa katipan niya.
XVI
Ako, na ang katipan niya, pinatawad siya
at kami'y muling nagmahalan.
Inalay namin ang isa't isa,
sa isang gabing hindi malilimutan.
XVII
Dumating si Marso,
ang buwan ng aming anibersaryo.
Nang babatiin ko na siya,
nalaman ko may kerido pala si tanda.
XVIII
"Ang galing mo! Ang galing-galing mo!, sabi ko.
Sagot niya, "Pagod na ako sa ganitong buhay."
At doon nagsimula ang pagsambit ko
"Lahat sila'y manlolokong tunay."
XIX
Muli'y nagpakalayo ako at kinalimutan siya
at biglang dumating si USTe sa kawalan.
Muli ako'y lumigaya,
puso kong nahirapan.
XX
Nagpakasasa ako sa gusto ng puso ko.
Nilunod ko ang sarili ko sa isang tao.
Ninaman ko ang bawat sandali na masaya ako sa kanya
para kalimutan lang si tanda.
XXI
Naging kami ni USTe
muli'y lumapit si tanda,
nagmamaka-awa
nagbabakasakaling may magawa pa.
XXII
Muliy nagkapatawaran at nagkabalikan
ngunit hindi na ganoong tulad ng dati
may distansya na sa aming dal'wa.
Para naman ako'y lumigaya kay USTe kong bagong katipan.
XXIII
Dumating ang gabi ng Sabado.
Sa buwan ng Pebrero, dos mil onse.
Ang gabi ng aking pagka-inosente
na si USTe at tanda ay may hinandang plano.
XXIV
Nawalan ako ng kakampi-
mapakaliwa man o kanan.
Wala akong makapitan.
Ito na nga ang araw ng aking ikasisisi.
XXV
Bakit ba ako dumalangin noon sa poon?
Sa batong hindi nakakakita?
Sa batong walang puso?
Sa batong hindi gumagalaw?
XXVI
Ito na nga ang araw
na ang Diyos ay pumukaw
sa aming tatlong nagugulumihanan
mula sa trono niyang puno ng karunungan.
XXVII
Hihingi ako ng kapatawaran
sa nagawa kong kasalanan.
At baguhin ang sarili ko.
Para lang sa taong mahal ko.
XXVIII
Niloko ko man ang taong mahal ko,
nagsinungaling man ako sa taong gusto ko
ngunit hindi ko man iyon ginusto
dahil ako'y hindi pa rin nakaka-alis sa bangungot ng kahapon ko.
XXIX
Ninais ko lang na tulungan ako
sa bangungot ng kahapon ko
para ako'y muling makabangon
at magawang magmahal muli ng naaayon.
XXX
Kung ako'y mararapating patawarin,
ikalulugod ito ng aking puso.
At ninanais lang nito na mahalin
gaya ng una naming pagtatagpo.
XXXI
Lalakad akong paluhod
Papalapit sa Altar ng Buklod.
Hihingi ako ng kapatawaran
nang sa gayo'y mapatawad at mu;iy mahagkan.
XXXII
Nangungulila na akong lubos
sa iyong pag-ibig na ubod ng pagmamahal.
Ngunit maibabalik pa ba ang nakalipas
Kahit napagsisihan ko na ang pagkakamali ko?
XXXIII
Alam kong hindi mo ako matitiis
sa mga luha kong sa iyo lamang tumatangis.
Sa iyo lamang ako nakaranas
ng tunay na pag-ibig na wagas.
XXXIV
O aking mahal, dinggin mo ang bawat sinasabi ko
na ako'y nagsisisi na sa nagawang kasalanan.
Muli sana'y patawarin mo
ang kaya kong lapastangan.
XXXV
Ngayon para akong isang tsinelas -
isang tsinelas na biglang napigtas.
Kapag napigtas ginagawan ng paraan
para muli'y pakinabanggan at maisapin muli sa paanan.
XXXVI
Paano kung hindi na pwede?
Itatapon mo na lang ba,
ang kagaya kong tsinelas na wala nang silbe?
O itatago mo at gagawan mo pa rin ng paraan para maisalba pa?